FRIEDATES

booooring sa classroom. nabilad pa sa field dahil sa practice ng sayaw :0

Apat kaming may dala ng SLR akala kasi namin makakapag-shoot para sa PT.

Katarungan Slogan sa Filipino, di talaga ako magaling sa arts ang init pa ng ulo ni Ma’am damn.
Robotics ang last subject namin kanina. Wala din kaming ginawa kaya nagkantahan na lang kami THE ONE THAT GOT AWAY, OFFICIALLY MISSING YOU blah blah blah. Nakakatuwa kasi tinatry namin na magblending WAH ang problema iba-iba kami ng tono :P
Noong nag-decide na pupunta kaming SM nagsimula na ang kamalasan ko slash kahihiyan.

WOW MALI :”(
Nanood kaming Underworld Awakening. K wag mo na akong tanungin kung naintindihan ko kasi nakatulog ako ng di ko namamalayan! Mula umpisa hanggang sa katapusan. At nang gumising na ako leshe wala akong katabi. WALA SILA WALA YUNG MGA KASAMA KO! Tumayo agad ako, tumingin sa kaliwa’t kanan nagbabakasakaling andun lamang sila. Shet wala talaga para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Nakatingin pa yung mga tao sa akin parang nang-aasar, oo muka akong zombie lubayan nyo ako. Kinuha ko agad ang gamit ko BAG☑ CAM☑ WALLET and PHONE ☑ mabilis akong umalis aa mga taong ‘to tingin pa :’( oo iniwan ako ng mga kasama ko. Bumababa na ako. Sa labas ng Walter nakita ko sila naglalakad sumigaw ako “HOYYYYYY gjdfgjfhjghj” Tawa sila kinuwento sa akin ang nangyare:
Ang himbing daw ng tulog ko at nung tapos na yung movie di nila ako magising. Ayon nakaisip sila ng katutuwaan nila LOL :P Nagtago daw sila sa mga upuan dun sa sinehan, si Dom nagtago malapit sakin para sya yung kumulbit at manggising saken. Nung nagising daw ako tawa sila ng tawa kasi, yung facial expression ko. Di ko daw sila nakita. Pati daw mga tao dun natawa kasi alam na tinaguan nila ako ORAYTTTTT. WAWA si Claire :P Pero nag-enjoy naman ako sa panaginip ko.
<END>
















































